Pinag-aaralan pa ngayon ng Office of the Solicitor General ang legal options ng Pilipinas kaugnay ng panibagong insidente sa West Philippine Sea kung saan binangga ng Chinese Coast Guard ang sasakyang pandagat ng Pilipinas na nasa isang resupply mission sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, kailangan muna nilang malaman ang buong detalye ng pangyayari.
Pero base sa mga inisyal na report na natanggap nila, tila lumalabas aniya na intentional o sadya ang pangyayari at hindi aksidente lang.
At dahil dito ay kinokonsidera aniya ng opsiyal na mali ang ginawa ng China at matinding pagbalewala sa international conventions at agreements gaya ng UN charter, UNCLOS, convention on the safety at sea at iba pa.
Sinabi ni Guevarra na kung tama ang pag-analisa nila sa naging pagbangga ay irerekomenda ng OSG sa Department of Foreign Affairs (DFA) na manawagan sa China na sumunod sa commitment nito na ayusin ang anumang international dispute sa mapayapang paraan.
Gayundin aniya ang pag-cease and desist o itigil na ang paggawa ng mga hakbang na maglalagay sa panganib sa buhay at kalayaan sa karagatan.
“Based on our initial determination na mukhang na intentional yung incident, at hindi naman siya accidental only, and besides it seems na habitual ito at hindi naman ito isolated incident lang. we will definitely recommend to the DFA to call on China to respect or to comply with its obligation under international law to settle disputes peaceably and to cease and desist form committing any such further acts.”- SolGen. Guevarra.
Sakaling matukoy na kung ano ang kasong isasampa laban sa China ay saka naman tutukuyin kung saang korte ito ihahain.
Maari aniyang sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS), sa permanent court of arbitration, o sa international court of justice.
“We have not really firmly made up a decison on what legal aciton to take. We have to study that carefully. It’s a very sensitive matter, it’s a very sensitive issue. It takes a lot of preparation to determine what legal action can be taken. But for now, we have to go to the diploamtic options. We will make a recommendation. So the decision to take a particular action will depend on the president.”- SolGen. Guevarra.| ulat ni Nimfa Asuncion