Pinasisiguro ni House Speaker Martin Romualdez ang ligtas at maagap na repatriation ng mga kababayan nating Pilipino na apektado ng gulo sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.
Hiling nito sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na agad ayusin ang maayos na pag-uwi ng mga OFW lalo at marami na rin ang nagpahayag na gustong mag balik Pilipinas.
Ayon sa ulat ng DFA, sa 131 na Pilipino sa Gaza, 92 ang nais umuwi habang may 22 iba pa na mula naman sa Israel.
“What we’ve learned from DFA and credible news sources is that more than a hundred OFWs are eager to return to the Philippines. “lI am confident in the preparedness of our Armed Forces, with their C-130 aircraft at the ready to transport and bring our OFWs safely back home. But I believe the DFA and DMW have the necessary funds to facilitate the repatriation of our OFWs, enabling them to charter flights for this purpose.” ayon sa Speaker.
Pinayuhan din ng House leader ang mga OFW sa conflict area na makipag-ugnayan na sa Philippine Embassy upang maproseso ang kanilang paglikas.
“The safety and welfare of Filipino citizens are paramount, and we are committed to working closely with the DFA, DMW, and other relevant authorities to ensure the swift and secure repatriation of our OFWs from the conflict areas,” dagdag ni Romualdez.
Kasabay nito, magpapaabot din ng tulong si Romualdez at Tingog partylist sa naulilang pamilya ng ikatlong Pilipino na nasawi dahil sa gulo.
P500,000 na tulong pinansyal ang ibibigay sa pamilya ng 49-anyos na Pilipina mula Negros Occidental na namatay sa pag atake ng Hamas sa isang music festival malapit sa Gaza-Israel border.
Una nang sinabi ng Office of the Speaker na bibigyan ng tulong pinansyal ang dalawang Pilipino na nakumpirmang nasawi maliban pa sa tulong na pangkabuhayan at scholarship sa naiwang pamilya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes