Ligtas na pagpapauwi sa mga Pilipino sa Israel at Gaza, paraan para suklian ang kabayanihan ng Pinay caregiver na nasawi sa pag-atake doon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Deputy Speaker at TUCP Party-list Representative Raymond Democrito Mendoza ang kabayanihan ng OFW na si Angelyn Aguirre.

Isa siya sa tatlong Pilipino na nasawi dahil sa mga pag-atake sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.

Malaking sakripisyo aniya ang ginawa ni Aguirre na hindi iniwan ang kaniyang inaalagaan kaysa unahin ang sariling kaligtasan.

“By making the unconditional choice to stay by her patient’s side instead of saving her own life, our kababayan Angelyn exemplified the best in the Filipino even in the worst of times and amid the ravages of war. Angelyn did not only brave uncertainty in a foreign land, to earn a decent living for her family and contribute, like millions of OFWs, significant foreign exchange remittances to our economy, but went above and beyond the call of duty to help others, even at the risk of losing her own life,” sabi ni Mendoza.

Bilang pagtanaw aniya sa kabayanihan ni Aguirre, marapat lamang na gawing ligtas at mabilis ang paglilikas sa ating mga kababayang naiipit ngayon sa gulo sa naturang bansa.

Mahalaga ani Mendoza na mailayo agad ang ating mga kababayan mula sa kapahamakan.

“Fueled by our profound sadness and firm resolve to safeguard our Filipinos here and elsewhere, we support the Department of Migrant Workers (DMW), in their effort to fast-track coordination with the Israeli government to ensure the speedy repatriation of the remains of our departed countrymen… We need a whole-of-government response to reciprocate our kababayan Angelyn’s heroism and to save more kababayans from this fatal conflict,” diin pa ni Mendoza.

Kasalukuyan ay nakataas na ang Alert Level 4 sa Gaza kung saan mandatory na ang repatriation. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us