Listahan ng mga barangay at presintong kabilang sa Mall Voting Pilot Testing, inilabas ng COMELEC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinababatid ng Commission on Elections (COMELEC) para sa mga rehistradong botante sa mga piling polling precincts dahil pagdating ng October 30 sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay maaari po kayong bumoto bilang bahagi ng Mall Voting Pilot Testing.

Kabilang sa mga kasama sa Mall Voting Pilot Testing Area ay gagawin sa mga malls ng SM Supermalls at Robinsons Mall.

Partikular sa SM City Manila para sa Bgy. 659, North EDSA para sa Bgy. Alicia, Fairview para sa Bgy. Pasong Putik, Sucat para sa Bgy. San Dionisio, SM City Legazpi sa Albay para sa Bgy. 36-Kapantawan, at SM Consolacion sa Cebu para sa Bgy. Pitogo.

May isasagawa ding voting pilot testing sa Robinsons Manila, Magnolia, Metro East, Las Piñas, at Galleria sa Cebu City.

Para sa buong listahan ng mga barangay at presintong kabilang sa Mall Voting Pilot Testing maaring bumisita sa Facebook page ng COMELEC.

Ayon rin sa COMELEC, para sa mga kaalaman ng mga botante sa kanilang precinct number maaring pumunta lamang sa opisina ng Election officer kung saan kayo nagparehistro bilang botante. | EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us