Listahan ng mga pangalan ng yumao sa Malabon cemetery, makikita sa website na binuo ng LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gumawa ng website application ang Malabon City government para sa listahan ng mga yumaong nakalibing sa Tugatog cemetery.

Layon nito na mapadali ang paghahanap sa pangalan ng mga yumaong nakahimlay para sa mga kaanak na dadalaw ngayong Undas.

Ginawa ito ng pamahalaang lungsod dahil patuloy pa ang isinisagawang renobasyon sa sementeryo.

Ayon sa LGU, maaaring bisitahin ang link na
https://malabontugatog
cemetery.vercel.app/ at i-type lamang sa search bar ang pangalan ng namayapang kaanak.

Ang lahat ng mga pangalan ng yumao ay nakatala sa Wall of Remembrance upang bigyan ng pagkakataon ang mga kaanak na gunitain ang alaala ng kanilang mga mahal sa buhay ngayong Undas.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us