Localized crop climate calendars, pinabubuo ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa pang mambabatas ang nagsusulong para bumuo ng isang localized crop climate calendar upang mapag-ibayo ang produksyon ng mga magsasaka.

Sa ilalim ng House Bill 9327 o Climate-Resilient Agriculture Act of 2023 ni Davao City Representative Paolo Duterte, aatasan ang Department of Agriculture (DA) para mamigay ng libreng crop climate calendar sa mga magsasaka at kanilang mga organisasyon.

Ang Agricultural Training Institute (ATI) naman ay kailangang magsagawa ng regular na pagsasanay sa mga magsasaka upang mahasa ang mga ito sa paggamit ng crop climate calendar, para maging angkop ang kanilang gagawing desisyon sa pagtatanim.

Trabaho naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magbigay ng climate update sa mga magsasaka at kanilang mga organisasyon, upang maiayon ang kanilang pagtatanim sa pagbabago ng panahon.

Lahat ng impormasyon ay kailangang nakasulat sa English, Filipino, o regional language o dialect

Ipinunto ni Duterte na kabilang ang pabago-bagong panahon sa nakakaapekto sa produksyon ng mga magsasaka. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us