Lokalisasyon ng kampanya kontra Private Armed Groups, iminungkahi ni Sec. Galvez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. na i-“localize” ang kampanya kontra sa mga Private Armed Groups o “PAG” katulad ng lokalisasyon ng prosesong pangkapayapaan.

Ang mungkahi ay ginawa ni Galvez sa ika-13 pagpupulong ng National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGS) sa Western Mindanao Command noong nakaraang linggo.

Kasama sa pagpupulong sina Special Assistant to the President Sec. Antonio Ernesto Lagdameo, Jr., Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro, at Department of Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr.

Ayon kay Galvez na tumatayong special adviser ng NTF-DPAGS, kailangang maging mas malaki ang papel ng local government units sa pagbuwag ng mga armadong grupo katulad ng kanilang papel sa normalization process ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa iba’t ibang rebeldeng grupo.

Tinukoy ni Galvez ang tagumpay ng “localized approach” sa panghihikayat sa iba’t ibang armadong grupo sa mga lalawigan ng Abra, Masbate, Basilan at Sulu na magbaba ng armas. | ulat ni Leo Sarne

📷: OPAPRU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us