LTFRB, may payo sa mga pasaherong bibiyahe sa panahon ng eleksyon at Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga commuter na bibiyahe sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas.

Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, mainam kung magaan o kaunti lamang ang bitbitin ng mga pasahero upang mas maging komportable ang kanilang biyahe.

Tiniyak naman ng ahensiya ang kahandaan nitong tugunan ang mga concern o pangangailangan ng publiko.

Maaari silang lumapit sa mga help desk ng LTFRB o di kaya ay tumawag sa 24/7 hotline na 1342, at pagpapadala ng mensahe sa official media accounts nito.

Hanggang ngayong araw, nakapagpalabas na ang LTFRB ng 774 special permits para sa bus units na bibiyahe sa araw ng election at Undas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us