Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inisyal na listahan ng mga gasolinahan kung saan maaaring magamit ang fuel subsidy ng pamahalaan.
Batay sa anunsiyo, kabilang sa mga gasolinahan na ito ang:
• Total Philippines Corp.
• Phoenix Petroleum
• Unioil Petroleum Philippines, Inc.
• Seaoil Philippines, Inc.
• Pilipinas Shell Petroleum Corp.
• PTT Philippines Corp.
• Caltex / Chevron Philippines, Inc.
Batay sa pinakahuling datos ng LTFRB, pumalo na sa 120,496 units ng pampublikong sasakyan sa buong bansa ang nakatanggap ng fuel subsidy sa LTFRB at Department of Transportation.
Layon ng Fuel Subsidy Program ng pamahalaan, na maibsan ang mataas na gastusin ng mga operator at tsuper sa gitna ng patuloy na pagtaas na presyo ng produktong petrolyo. | ulat ni Diane Lear