LTFRB, nagsagawa ng Oplan Tuldukan ang Karahasan sa PITX ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Oplan Tuldukan ang Karahasan sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong umaga.

Kung saan nagdikit ng mga poster si LTFRB Technical Division Director Joel Bulano ng mga bawal ang bastos sticker sa mga pampublikong bus, jeep, at taxi sa palibot ng PITX.

Aniya, isa ito sa inisyatibo ng LTFRB para mabawasan ang mga pambabastos sa kababaihan lalong-lalo na sa pampublikong transportasyon.

Nanawagan naman si Bulano sa mga tsuper na maging mapagmatyag at isumbong sa kinauukulan kapag may mga ganitong klaseng aktibidad. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us