LTFRB, nagsimula nang tumanggap ng application ng special permit para sa Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagproseso sa mga aplikasyon para sa pagkuha ng special permit ng Public Utility Buses (PUBs).

Paghahanda ito ng LTFRB sa pagdagsa ng uuwi sa mga lalawigan sa panahon ng Undas, sa buwan ng Nobyembre.

Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, magkakabisa ang special permit mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 6.

Paliwanag ni Bolano, nagbigay ng special permits ang LTFRB para madagdagan ang kakulangan ng pampublikong transportasyon tuwing Undas.

Sabi pa ng opisyal, na 30% lamang ng kabuuang bilang ng awtorisadong yunit sa bawat operator ng isang ruta ang maaaring payagang makakuha ng special permit. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us