Ipinagpatuloy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagsasagawa ng Oplan Bantay-Biyahe sa mga pampubliko at pribadong terminal sa bansa.
Nilalayon nitong tiyakin ang kaligtasan at kaginhawaan ng biyahe ng mga mamamayan sa panahon ng Undas.
Sa ngayon, nakalatag pa rin sa mga transport terminal ang Complaint and Public Assistance Help Desk na maaaring puntahan ng mga pasahero sakaling may mga katanungan o pangangailangan sa kanilang mga biyahe.
Magpapatuloy ang inisyatiba ng LTFRB hanggang sa susunod na linggo, Nobyembre 6 ,2023. | ulat ni Rey Ferrer