Hiningi na ni Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II ang kooperasyon na isa sa pinakamalaking automotive dealers association sa bansa.
Ito’y para makatuwang sa pagresolba sa backlogs sa car plates at delay sa pagpapalabas ng car registration documents.
May itinatag nang Technical Working Group ang LTO na siyang nagsusuri at bumubuo ng mga solusyon sa “low lying” problems sa ahensya kasama ang mga stakeholder sa transportasyon.
Sinabi rin ni Mendoza na may ilang pagbabago na silang ginawa sa tulong ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) at motorcycle dealers association.
Ang iba pang pagbabago sa mga patakaran ay naipasa na sa Department of Transportation para maaprubahan.
Bahagi ng problema na nilulutas ngayon ni Mendoza ay ang motor vehicle plates. Sa kasalukuyan, may 80,000 plate backlogs pa rin ang kinakaharap ng LTO. | ulat ni Rey Ferrer