LTO, iimbestigahan ang kaso ng road accident sa Makati City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang pag-isyu ng show cause order laban sa may-ari ng sasakyan, na nasangkot sa isang road accident sa Makati City noong Oktubre 23.

Kasabay nito ang utos sa LTO-National Capital Region na agad magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Ang kautusan ni Mendoza ay tugon sa kahilingan ng may ari ng sasakyan na binangga ng MG ZS na may license plate NIF 2282, sa kahabaan ng southbound ng Ayala Tunnel.

Batay sa ulat, may sakay na dalawang senior citizens at isang bata ang kotse na binangga ng MG ZS vehicle.

Matapos ang insidente, sa halip na tulungan ay tinakasan ng driver ang kanyang reaponsibilidad.

Tiniyak ni Mendoza sa biktima, na personal niyang susubaybayan ang pag-usad ng imbestigasyon sa kaso. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us