Tiniyak ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang kahandaan ng ahensya na magbigay ng assistance sa gitna ng inaasahang “holiday traffic.”
Ayon kay Mendoza, makikipagpulong ang LTO sa iba pang ahensya, kabilang ang Metropolitan Manila Development Authority at Philippine National Police – Highway Patrol Group, sa pagtiyak ng maayos na sitwasyon ng trapiko sa pagdami ng mga sasakyan tuwing holiday season.
Asahan na raw ito habang papalapit ang holiday season, lalo na sa mga matataong lugar gaya ng malls at terminals.
Bukod sa trapiko, babantayan din ng LTO ang kaligtasan at seguridad ng mga motorista at riding public mula sa mga aksidente, at iba pang hindi inaasahang pangyayari.
Hinikayat ni Mendoza ang mga driver, na maging matiyaga at magplano nang maaga sa kanilang mga biyahe sa pamamagitan ng pagsuri sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang matinding traffic. | ulat ni Rey Ferrer