LTO, nakakapag-imprenta na ng isang milyong plaka kada buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaya nang makapag-produce ng Land Transportation Office (LTO) ng nasa isang milyong plaka kada buwan.

Ayon sa LTO, mayroon ngayong walong makina na gumagana sa kanilang planta para mapabilis ang produksyon ng plaka.

Regular na nagsasagawa rin aniya ng inspeksyon si LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II sa stamping plant upang masiguro na walang aberya at tuloy-tuloy lang ang pagtugon sa backlog sa vehicle at motorcycle plates.

“We are now producing one million plates a month. We have dedicated machines that cater only to motor vehicles, and of course, focus din ang production para sa mas maraming backlog sa plaka ng motorsiklo,” Mendoza.

Dahil naman sa itinaas na production rate, ay inaasahan ng LTO na matatapos na ang

80,000 backlog nito sa motor vehicles license plates bago matapos ang Nobyembre.

Ayon pa kay Mendoza, inaasahang magkakaroon na rin ng sapat na plaka para sa mga bagong biling sasakyan nang hindi na maghihintay pa ng matagal ang mga new car owners.

Inatasan na aniya nito ang lahat ng district offices at mga regional director para kagyat na asikasuhin ang demand sa motor vehicle plates.

“We estimate that the current demand for motor vehicle plates is around 2,000 vehicles a day. So times two dahil front and back ang plaka, so it’s 4,000 a day. We have that capacity, there’s no reason why a buyer who comes to you now will have to wait months in order to get their plates,” Mendoza. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us