LTO, paiigtingin ang kampanya upang palakasin ang online car registration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang mga regional director nito na paigtingin ang information drive sa online car registration.

Ito ay matapos na lumabas sa datos ng LTO, na nasa 1% lang ng mga sasakyan sa bansa ang gumagamit ng digital transaction para sa pagpaparehistro at pagre-renew ng rehistro ng mga motorsiklo.

Ayon kay Mendoza, may kapasidad na ang LTO para sa online registration kaya hindi na kailangan pang pumunta sa tanggapan ng LTO para iparehistro ang mga motorsiklo.

Dagdag pa ni Mendoza, target nilang baguhin ang kasalukuyang datos at pataasin ang bilang ng mga car at motorcycle owner na gumagamit ng online platform sa pakikipagtransaksyon sa LTO.

Kaugnay nito ay nakikipagpulong na rin ang opisyal sa iba’t ibang car at motorcycle dealers upang ipagbigay alam sa mga ito ang online services ng ahensya.

Sa ngayon, pinaplano na rin ng LTO na magkaroon ng online renewal transactions sa driver’s license sa susunod na taon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us