LTO, tutulungan ang MMDA vs. pasaway na motorista na gumagamit sa EDSA Bus Carousel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang deployment ng karagdagang tauhan nito sa EDSA Bus Carousel, sa gitna ng talamak na paglabag ng mga pasaway na motorista.

Kasabay nito, inatasan din ang LTO-National Capital Region na kilalanin ang operator at driver ng taxi na humarang sa ilang bus sa kasagsagan ng baha sa EDSA sa Gate 3 ng Camp Aguinaldo, noong Setyembre 23.

Bukod pa dito, sinabi ni Mendoza na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa insidente nang muntikan ng masagasaan ng motorista ang isang MMDA traffic enforcer.

Nangyari ito habang nagtangkang tumakas matapos mahuling pumasok sa EDSA Bus Carousel Lane noon namang Setyembre 21.

Tinitiyak ng LTO Chief ang agarang aksyon, upang maparusahan ang mga mahuhuling motorista na gumagamit ng EDSA Bus Carousel. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us