Maayos na kalagayan ng mga 4Ps beneficiary sa Sulu, ikinagalak ni Sec. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Masaya si DSWD Secretary Rex Gatchalian na makitang muli ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa pagbisita nito upang pangunahan ang pamamahagi ng bigas sa 500 benepisyaryo nito sa Multi-Purpose Gym, Capitol Site, barangay Bangkal, Patikul, Sulu.

Nauna nangg naipamahagi sa umaga ng MSSD BARMM at Sulu ang 500 sakong bigas sa mga benepisyaryo nito bago pa man dumating sina Secretary Gatchalian, SAP Anton Lagdameo, Secretary Carlito Galvez at iba pang opisyales na sumaksi sa pamamahagi ng naturang ayuda.

Ayon kay Secretary Gatchalian, masaya siyang makitang nasa maayos na kalagayan ang mga miyembro ng 4Ps sa pagbalik nito sa lalawigan.

Tiniyak ni Gatchalian na prayoridad ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr. ang mga kababayan na nasa malalayong lugar tulad ng Sulu upang maiparamdam ang pagmamalasakit ng pamahalaan sa tulad nilang nangangailangan.

Matatandaan noong unang pagbisita ni Gatchalian sa lalawigan ay nangako ito na handang umalalay ang kanyang tanggapan sa lahat ng mga programa ng lokal na pamahalaan na paki-pakinabang sa mamamayan.| ulat ni Fatma Jinno| RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us