Ayon kay AKO Bicol Partylist Representative Elizaldy Co, House Chairman Appropriations Committee, na ito ang expanded near poor o middle class social services program ng pamahalaang nasyonal.
Aniya ito, ay bilang pagtalima sa habilin ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.,, at Speaker Martin Romualdez, na bigyan ng solusyon, ang mga hinaing na kanilang natatanggap. Isa na rito, ang tanong bakit ang palaging nabibigyan ng tulong ay ang mga miyembro ng 4Ps.
Sabi niya, nagrereklamo rin ang mga ordinariyong manggagawa ng mga drivers, nagtatrabaho sa mga food chain, at maliliit na negosyo na hindi kayang magdagdag ng sweldo ang mga employers nito, dahil sa epekto ng inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin. Gaya ng mataas na presyo bigas at produktong petrolyo.
Tinuran ni Co, mula sa dating 4 na milyong poorest of the poor na pamilya o 16 na milyong populasyon ng mga ito, madadag rito ang near poor o middle class. Saklaw nito ang 16 na milyong pamilya o 56 na milyong katao. Binigyan diin ng mambabatas, sa expanded social services program, aabot na sa 70 milyong Pilipino ang magiging benepisyariyo ng programa. Ipinagbigay halimbawa ng lehislador ang ibinigay na rice, at fuel subsidy ng National Government.
Kasama sa programa, ang medical at educational assistance.
Binanggit pa niya , ang konstruksiyon ng legacy o specialty hospital sa bansa. Isa na rito ang Bicol Regional Medical and Hospital Center o BRMHC o ang dating Bicol Regional Training and Teaching Hospital o BRTTH. Nagtatayo rito ng 10 palapag na gusali, bilyong piso ang inilaang pondo sa proyekto. Gayundin ang pondo sa Heart Center, Philippine General Hospital, National Kidney Center at Children’s Hospital sa Pampanga. | via Nancy Mediavillo | RP1 Albay