Magdamag na pangangampanya sa BSKE 2023, walang problema sa Comelec

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Commission on Elections sa mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na patuloy na sumusunod sa alitunttunin ng komisyon.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, ang mga kandidatong sumusunod sa election laws ay nagpapakita ng maayos na intensyon para sa bayan.

Dagdag pa ng opisyal na pagsapit ng Oktubre 19, kahit 24 oras mangampanya ang bawat kandidato ay walang magiging problema.

Payo pa ni Garcia, hindi naman na kailangan pa masyadong mangampanya dahil kapitbahay o kakilala naman ang mga nasasakupan sa barangay at madalas ay magkakakilala na ang mga ito.

Kasabay nito ay nagpapaalala din si Chairperson Garcia sa publiko laban naman sa mga patuloy na namimili ng boto na huwag tangkilikin ang mga ito dahil ito aniya ang mga kandidatong tingin sa kanyang mga nasasakupan ay patay gutom at humahamak sa pagkatao ng kanilang mga botante. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us