Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bahagi ng Balut Island sa Saranggani, Davao Occidental ngayong umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), bandang 8:04 AM naganap ang pagyanig.
Naitala ang sentro nito sa layong 223 kilometro timog silangan ng Balut Island.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 172 kilometro sa lupa.
Wala namang inaasahang mga aftershock at pinsala kasunod ng pagyanig. | ulat ni Merry Ann Bastasa