Maharlika Investment Fund, mainit na tinanggap ng Saudi business leaders

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umani ng positibong pananaw ang Maharlika Investment Fund ng Pilipinas mula sa Arab business leaders, makaraan itong i-presenta nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng economic manager sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Saudi Minister of Investment HE Khalid Al-Falih, nagpahayag ang arab investors ng pagnanais na pag-aralan ang mga success story ng Pilipinas, sa usapin ng pananalapi.

Ito aniya ang dahilan kung bakit nila inorganisa ang roundtable discussion, upang mabigyan ng access ang Pilipinas sa Saudi investors, lalo’t nais ng mga ito na mapalago pa ang kanilang international presence.

Nakikita aniya ng Arab business leaders ang Pilipinas na susi sa hakbang na ito.

“We want to connect you to key Saudi investors with impressive success stories to share and with the desire to continue building with international presence by investing with partners across theI globe, the Philippines being a key one,” —HE Al-Falih.

Ayon sa Saudi official, ang business leaders na nakapulong ng pangulo, ay partikular na nakaabang sa mga investment at oportunidad na maaaring mabuksan sa Pilipinas, kabilang na ang Maharlika Investment Fund (MIF).

“I am pleased that we are joined today by leaders and the sector from Saudi Arabia who are eager to learn more about the investment, opportunities and one of ASEAN’s most exciting markets and learn more about the newly-launched Maharlika Investment Fund that you have launched under your administration,” —HE Al-Falih.

Samantala, sa ikalawang araw ng Pangulo dito sa Riyadh, tinatayang nasa 4.26 billion US dollars na halaga na ng investment ang naselyuhan sa pagitan ng Pilipinas at Saudi. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us