Iprinisinta ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa Saudi business leaders ang Maharlika Investment Fund.
Kasama ang kalihim sa delagasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagdalo sa ASEAN Gulf Cooperation Council (GCC) Summit sa Riyadh, Saudi Arabia.
Sa Roundtable Meeting na dinaluhan ng mga Saudi business leaders, sinabi ni Diokno na nagsisilbing “cornerstone” ang MIF upang pondohan ang mga infrastructure project ng Marcos administration na mahalaga upang makamit at masustine ang inclusive economic growth.
Giit ni Diokno, nananatiling komited ang economic managers upang maisakatuparan ang layunin ng MIF bago matapos ang taong 2023.
Samantala, binigyang-diin ng Finance chief na patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanyang kagawaran sa Office of the President upang lalo pang i-improve ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng MIF. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes