Mahigit 100 na ang lumabag sa gun ban sa Eastern Visayas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo na ha 115 katao ang naaresto ng PNP-Eastern Visayas dahil sa paglabag sa gun ban mula Agusto 28 hanggang Oktobre 22, 2023

Ito ay sa gitna ng pinaigting na implementasyon ng Omnibus Election Code kaugnay sa papalapit na BSKE 2023.

Kaugnay nito, 38 na armas de fuego at 84 na deadly weapon ang nakumpiska ng mga otoridad.

Sa kampanya naman kontra loose fire arms and explosives, 24baril at 2 granada ang boluntaryong isinuko sa PNP; at 58 ang idiniposito for safekeeping sa iba’t-ibang estasyon ng pulis.

Samantala, 2 na ang naitalang election related incident sa rehiyon.

Sa gitna ng mga pangyayaring ito, tiniyak ni Col. Salvador Alacyang, deputy regional director for operations ng PRO8; na katuwang ang Philippine Army at Philippine Coast Guard, kasado na ang mga hakbanging pansiguridad na ipapatupad, na sisiguro ng isang payapa at matagumpay na halalan sa Rehiyon Ocho.  | ulat ni Daisy Belizar | RP1 Borongan

📸 Eastern Samar Police

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us