Mahigit 10K estudyante, nakisaya sa pagbubukas ng Bicol University Olympics

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit 10K estudyante, nakisya sa pagbubukas ng Bicol University

Aabot sa mahigit 10,000 estudyante mula sa Bicol University ang nakisaya sa pagbubukas ng BU Olympics sa Legazpi City.

Sa mensahe ni Ako Bicol Rep. Cong. Elizaldy Co, Chairman ng House Committee on Appropriations, patuloy ang kaniyang suporta sa mga atletang bicolano na nagtataguyod para sa karangalan ng bansa.

Binigyang diin naman ni Cong. Alfredo Apid Delos Santos, Representative ng Ang Probinsyano Partylist ang patuloy na pagpapatayo ng mga multi-purpose building para sa mga atleta. Gayundin, ang pagpapatayo ng gusali para sa Bicol University Institute of Physical Education, Sports and Recreation.

Ikinatuwa naman ng mga estudyante ang pagsusumite ng bill para sa pagpapatibay at pagpapalakas ng mga local sports sa mga kabataan.

Pumukaw sa lahat ng manunuod ang inaabangang BU Hataw kung saan sabay-sabay na sumayaw ang aabot sa 10,000 estudyante kasama ang mga piling guro.

Maglalaban laban ang 18 colleges ng pamantasan kasama na ang mga satellite campuses nito sa larangan ng sports sa loob ng limang araw. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay

Photos: The Bicol Universitarian

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us