Mahigit 12k centenarians, tumanggap ng insentibo mula sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala at binigyan ng insentibo ng Department of Social Welfare and Development ang mahigit 12,000 centenarians sa buong bansa.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, mula 2017 hanggang Setyembre ngayong taon, aabot sa 12,186 Filipinos na umabot sa 100 taong gulang ang edad pataas ang binigyan ng karangalan ng DSWD.

Ginawa ito sa ilalim ng Centenarian Program alinsunod sa Republic Act No. 10868 o mas kilala bilang Centenarians Act of 2016.

Bawat centenarian ay binigyan ng P100,000 cash incentives at letter of felicitation o liham ng pagbati na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Bukod sa cash gift, nagbigay din ang DSWD ng posthumous plaque of recognition para sa namatay na centenarian.

Para maka-avail ng benepisyo, kailangan lamang ng kaanak ng mga centenarian na magsumite ng pangunahing dokumento tulad ng birth certificate at Philippine passport sa City o Municipal Social Welfare Office o ‘di kaya’y sa Office for Senior Citizens Affairs sa kanilang lokalidad.

Kapag walang primary identification cards na inisyu ng OSCA, tatanggapin na rin ang GSIS ID; SSS ID; driver’s license; PRC license; at COMELEC Voter’s ID. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us