Inanunsyo ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na may kabuuang 31,125 persons deprived of liberty (PDL) ang boboto sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections bukas.
Sinabi ni Abalos na ang pagboto ng mga PDL ay isang testamento sa demokratikong kalayaan ng isang bansa na itinakda sa Universal Declaration of Human Rights, International Covenant on Rights, at 1987 Constitution.
Batay sa Comelec rules, kuwalipikadong bumoto sa local polls ang mga PDL na naghihintay ng paglilitis sa kanilang kaso at ang mga nasentensiyahan nang mabilanggo na wala pang isang taon.
Sa kabuuang 31,000 PDL voters, 29,133 ang boboto sa mga special polling precinct sa loob ng BJMP jails.
Habang 1,992 ang sasamahan ng jail officers sa kani-kanilang registered precincts sa barangays. | ulat ni Rey Ferrer