Naghain ngayong araw ang Makati City ng “Urgent Motion for Clarification with Prayer for the Issuance of a Status Quo Ante Order” (“Urgent Motion”) sa Branch 153 ng Regional Trial Court of Taguig City.
Ayon kay Mayora Abby, nais lamang ng Makati na maging maayos ang pagpapatupad ng Supreme Court decision nang hindi gaanong magagambala ang mga residente at tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga apektadong lugar.
Kinakailangan ang Writ of Execution dahil hindi tahasang ipinag-utos ng Korte Suprema bilang “immediately executory” ang alinmang bahagi ng naturang desisyon. Bukod dito, hindi rin malinaw na nakasaad dito ang eksaktong mga hangganan ng parcels 3 at 4 sa Psu-2031.
Sa pamamagitan ng Urgent Motion, maigigiit ng Makati ang mga karapatan nito bilang may-ari ng mga property sa disputed areas. Tulad ng sinabi ni Mayora Abby, ang kaso ay tungkol sa territorial dispute, at hindi nito sakop ang pagmamay-ari sa properties na nakapaloob sa disputed territory. | via AJ Ignacio