Malacañang, naglabas ng Memorandum Circular para sa agarang implementasyon ng “Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing Strategy”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilabas ngayon ng Malacañang ang Memorandum Circular No. 37 para sa mabilisang implementasyon ng National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing and Counter-Proliferation Financing Strategy 2023-2027 o NACS.

Pirmado ang memorandum circular ni Executive Secretary Lucas Bersamin kung saan dito’y inaatasan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kasama ang mga GOCC na bumalangkas at magpatupad ng plano at mga programa sa ilalim ng NACS 2023-2027.

Sa ilalim rin ng nasabing memo circular ay ay inaatasan ang Anti- Money Laundering Council na magsumite sa Office of the Executive Secretary ng comprehensive report hinggil sa status ng implementasyon ng National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing and Counter-Proliferation Financing Strategy.

Saklaw ng Memorandum Circular No. 37 ang lahat ng concerned departments, agencies, bureaus, at national government kasama na ang GOCC at local government units.

Sa ilalim rin ng inilabas na kautusan ay inaatasan ang lahat ng agency heads na magsagawa ng pagrepaso at pagtaya sa
deliverables na nasa ilalim ng International Co-operation Review Group Action Plan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us