Bukod sa $4.26 billion investment deal ng Saudi Arabia sa Pilipinas, $120 million na puhunan naman ang ipinangako ng mga private company ng Saudi.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang nasabing halagang ilalagak ng Saudi companies sa bansa ay magbubukas ng 15,000 na trabaho partikular sa construction sa Pilipinas.
“The amount of investment deal by the Saudi government and the private corporations to the Philippines clearly show kung gaano katiwala ang Kingdom of Saudi Arabia at mga negosyante dito sa Pilipinas para maglaan ng malaking halaga”, ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Si Speaker Romualdez ay bahagi ng delegation ng government officials na kasama ni Pangulong Marcos para sa ASEAN-GCC Summit sa Saudi Arabia.
“Ang tiwala kasi ng kahariang ito sa Pilipinas ay nagsimula pa noong dekada 70 nang mag-boom ang pagpapadala natin ng mga OFWs na ang tawag pa sa kanila noon ay overseas contract workers “, ayon pa sa speaker.
“Ayon pa nga sa Pangulo our economy is sound and stronger than ever…at itong investments na ito will further boost our economy”, aniya.
Dagdag pa ni Speaker Romualdez, bibigyan ng tax incentives ang mga Saudi investors na mamumuhunan sa bansa.
“The House will work closely with the Executive Department by passing laws to make sure na hindi mahihirapan ang sinumang investors (na) mamuhunan sa bansa”, pahabol pa ng mambabatas mula sa Leyte.