Malaya Rice Project, ilulunsad sa Nobyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa susunod na buwan ay sisimulan na ang pamamahagi ng “rice at cash subsidy” sa ilalim ng Malaya Rice Project.

Dapat ngayong Oktubre ikakasa ang naturang programa ngunit ipinagpaliban hanggang sa matapos na muna ang Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections.

November 5 ang itinakdang petsa ng paglulunsad nito.

Ang programa ay magkatuwang na ipatutupad ng Kamara at Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan magsisilbing pilot program ang 33 Congressional districts sa National Capital Region (NCR).

Isusumite ng NCR Congress representatives ang listahan ng 10,000 indigents sa kani-kanilang distrito kabilang ang low-income earners, senior citizens, persons with disabilities, single parents, at indigenous people.

Kada benepisyaryo ay makatatanggap ng ₱1,500 na tulong pinansyal kung saan bahagi nito ay pambili ng 15 kilo ng bigas.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us