Itinutulak ni House Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar na gawing mandatory ang paglalagay ng nutrition label sa lahat ng pre-packed food products.
Sa ilalim ng inihain nitong House Bill 9344 o Philippine Nutrition Labeling Act lahat ng pre-packed food products ay dapat maglagay ng label na naglalaman ng nutrisyong makukuha sa produkto.
Punto ng mambabatas, mahalagang malaman ng publiko ang kanilang makukuhang nutrisyon sa mga binibiling pagkain at isulong ang healthy lifestyle ng mga Pilipino.
Batay sa pag-aaral ng World Bank noong 2021, sinabi ni Villar na ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na insidente ng stunting o pagkabansot sa mundo bunsod ng kakulangan ng nutrisyong nakukuha ng mga bata.
“In the Philippines, as well as in other countries in the Southeast Asian Region, there is no mandatory nutrition labeling or requirement for food, but relies solely on the voluntary inclusion by manufacturers, packagers or distributors (that) indicate the nutritional value on the labels of food products being sold in the market to the public. accurate food labeling also promotes transparency as it provides consumers with vital nutritional information of food that they buy. This practice would also ensure their safety and health when it comes to food consumption, as well as possible ingredients which may be potentially toxic to the consumer and safe handling practices for food storage,” sabi ni Villar.
Kasama dapat sa naturang label ang serving size, total fat, saturated fat, cholesterol, sodium, total carbohydrates, complex carbohydrates, sugars, dietary fiber, at total protein. | ulat ni Kathleen Jean Forbes