Pinaghahandaan na ng National Youth Commission (NYC) ang pagbibigay ng mandatory training sa mga mahahalal na bagong opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK).
Ayon kay Rochelle Austria, Area Coordinator ng NYC sa Regions 2 at 3, dapat maisagawa ang pagsasanay mula November 3 hanggang 14 para sa Region 2.
Kaugnay rito, sumailalim na ang ilang Local Youth Development Officers (LYDO) ng rehiyon para sa kanilang akreditasyon bilang SK mandatory training managers.
Matagumpay na nabigyan ng full accreditation mula sa NYC ang mga LYDO ng Roxas at Santiago City ng Isabela, Provincial Government ng Quirino at ng bayan ng Sto. Niño, Cagayan.
Sila na umano ang magbibigay ng pagsasanay sa mga bagong mahahalal na SK official.
Samantala, sinabi ni LYDO Jee Liban ng Sto. Niño, nakatakdang ganapin ang mandatory training ng SK Officers sa kanilang bayan sa November 12, 13 at 14.
Kabilang sa ituturo sa nasabing training ay ang local governance, planning and budgeting, resolution preparation and processes at ang code of conduct and ethical standards.
Ang Barangay at SK elections ay sabay na gaganapin sa ika-30 ng Oktubre. | ulat ni Sany Lopez| RP1 Tuguegarao
📸 Jee Liban, Sto. Niño, Cagayan LYDO