Manila LGU magpapatupad ng liquor ban kaugnay ng BSKE at Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na magpapatupad ng liquor ban ang Lungsod ng Maynila alinsunod sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas.

Ayon sa inilabas na Exececutive Order, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbilim o pag-inom ng anumang inuming nakalalasing mula Oktubre 29, araw ng Linggo hanggan Nobyembre 2, araw ng Huwebes.

Sakop din ng kautusan na ito ang mga hotel, resort, restaurant, at iba pang mga establisyementp sa Lungsod ng Maynila partikular ang nasa 500-metro ang layo mula sa mga sementeryo.

Hinihikayat naman ang mga residente at bibisita sa Lungsod Maynila na sundan ang pansamantalang pagbabawal na ito, na layuning mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng eleksyon at Undas. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us