Umapela ang isang mambabatas sa mga magiging bagong opisyal ng Baranggay at Sangguniang Kabataan na isulong ang laban kontra bisyo.
Ayon kay Manila Representative Bienvenido Abante, nasa kamay ngayon ng mga bagong opisyal na maglunsad ng mga programa para labanan ang pagsusugal at paninigarilyo.
“It has been long established that gambling and tobacco use—in all its different forms—are bad for the mental and physical health of those who lose themselves to these vices. Since we know these are not beneficial to our constituents, our new barangay officials should spearhead programs and campaigns in our barangays that will educate them about the negative impact of tobacco use and gambling,” sabi ni Abante.
Ayon sa kinatawan, sa kabila ng mga batas para himukin ang publiko na umiwas sa paninigarilyo ay pumalo pa rin sa 19.5% ang mga Pilipino na gumagamit ng tobacco products ayon sa Philippines Global Adult Tobacco Survey.
Ikinaalarma rin nito ang pagiging accessble ngayon sa kabataan ng sugal sa pamamagitan ng online platforms.
“We do not have exact data on how many of our countrymen gamble, but if PAGCOR earns 640 million pesos a month––a month!––from e-sabong, one can imagine how many Filipinos regularly place bets online,” sabi pa ni Abante.
Mungkahi ng kongresista na magkaroon ng “vice-free zones” sa mga komunidad at isulong ang healthy lifestyle. | ulat ni Kathleen Jean Forbes