Maraming Barangay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig simula bukas – Maynilad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Labing limang (15) barangay sa lungsod Quezon ang mawawalan ng suplay ng tubig simula bukas ng gabi, Oktubre 2 hanggang 9.

Sa abiso ng Maynilad Water Services, ang water interruption ay bahagi ng weekly maintenance activities nito para lalo pang mapahusay ang serbisyo nito sa West Zone areas.

Karamihan sa mga ito ay magaganap tuwing peak hours upang mabawasan ang epekto ng supply interruption sa mga customer.

Ngayon pa lang, pinapayuhan na ang mga apektadong customers na mag-imbak ng sapat na tubig na magagamit sa panahon ng water service interruption.

Pagtiyak pa ng Maynilad na may water tankers ding naka standby na handang mag-deliver ng tubig sa apektadong lugar kung kinakailangan.

Kabilang sa maapektuhan ang Barangay Doña Imelda, Baesa, Bahay Toro, Tandang Sora, Sta. Monica, Nagkakaisang Nayon, Gulod, Balong-bato, San Antonio, San Bartolome, Sta. Teresita,
Maharlika, NS Amoranto, Veterans at Barangay Sto Domimgo.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us