Binigyang diin ng National Economic Development Authority na komited ang Aadministrasyong Marcos Jr. na makapagbigay ng high quality at high paying job para sa mga manggagawang Pinoy.
Ito ang pahayag ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan sa inilabas na August 2023 Labor Force Survey kung saan nasa 4.4% ang unemployment rate o katumbas ng 468,000 ng mga walang trabaho.
Mas mababa ito sa 5.3% na naitala sa parehas na buwan noong 2022 at 4.8% noong July 2023.
Sa parehas na datos ng PSA, bumaba din ang underemployment rate sa 14.75 para sa buwan ng Agosto kumpara sa 15.9% noong July 2023.
Tumaas naman ang employment sa bansa ng 203,000 sa sector ng agrikultura at industry sector.
Pagtitiyak ni Sec. Balisacan, patuloy ang administrasyong Marcos Jr. sa pagpupursigi na makapagbigay ng dekalidad na trabaho at disenteng pasweldo sa mga Pilipino. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes