Marikina Rep. Quimbo, mananatiling miyembro ng Liberal Party

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mananatili pa ring miyembro ng Liberal Party si Marikina Rep. Stella Quimbo.

Sa statement na inilabas ni Liberal Party president at Albay 1st district Rep. Edcel Lagman, sinabi nito na may ilang nanawagan para sa pagpapataw ng sanction kay Quimbo.

Ito’y dahil na rin tila pag-depensa ni Quimbo sa ilang isyu gaya ng confidential funds at Maharlika Investment fund, na taliwas sa paniwala ng ilan sa matataas na lider ng partido.

“The defense of Rep. Stella Quimbo of the confidential funds, particularly of the Office of the Vice President and the Department of Education, and the Maharlika Investment Fund, contrary to the collective position of the leadership and ranking members of the Liberal Party of the Philippines, has resulted in some clamor to sanction Rep. Quimbo as a Party member.” paliwanag ni Lagman

Ngunit bilang pagkilala aniya sa tradisyon ng partido na igalang ang independent na paniniwala o posisyon ng kanilang miyembro at paggalang sa freedom o f expression o dissent ay mananatili sa partido si Quimbo at wala ring sanction na ipapataw sa kaniya.

“The enduring tradition of the Liberal Party is to allow its members to take independent views on national issues in recognition of a member’s freedom of expression and dissent. Rep. Stella Quimbo is still a member of the Liberal Party.” sabi ni Lagman

Kasalukuyang na sa 8 ang miyembro ng LP sa 19th Congress.

Sina Camarines Sur Re. Gabriel Bordado at Basilan Rep. Mujiv Hataman ay miyembro ng Minority, habang nasa majority bloc sina Quimbo, Muntinlupa Rep. Jaime Fresnedi, Zamboanga del Norte Rep. Adrian Amatong, Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali at Capiz Rep. Emanuel Billones.

Nananatili naman bilang independent opposition si Lagman.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us