Maritime, energy at fisheries industry cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Norway, welcome kay Sec. Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang panukala na palakasin ang maritime, energy at fisheries industry cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Norway.

Ang panukala ay inihain ni Ambassador of Norway to the Philippines Christian Halaas Lyster sa kanyang courtesy call sa kalihim nitong Martes.

Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, sinabi ni Teodoro na welcome ang suporta ng Norway sa naturang mga larangan para mapalawak ang presensya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, at maitaguyod ang karapatan ng bansa sa pagtuklas at pakikinabang sa kanyang Exclusive Economic Zone (EEZ).

Kapwa tiniyak naman ng dalawang opisyal ang pagkakaisa ng Pilipinas at Norway sa kanilang commitment sa rule of law at United Nations Convention on Law of the Seas (UNCLOS).

Tinalakay din ng dalawang opisyal ang non-traditional security concerns tulad ng pagkalat ng fake news, kung saan palalakasin ang koordinasyon ng dalawang bansa kasama ang iba pang kaalyado para kontrahin ito. | ulat ni Leo Sarne

📷: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us