Maritime incident na nagresulta sa pagkakasawi ng tatlong mangingisda, ‘di sinadya – PCG  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi deliberate o hindi sinadya ang pagbangga ng isang oil tanker sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda, madaling araw ng Lunes (October 2), na nagresulta sa pagkakasawi ng tatlong mangingisda.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCG Commodore Jay Tarriela na nanggaling na rin sa mga naka-survive na mangingisda na masyadong madilim sa lugar noong naganap ang insidente.

“These are really identified as a nautical highway, daanan talaga ng mga malalaking barko iyong pinaglagakan ng mangingisda ng kanilang payao.” —Tarriela.

Bukod dito, masama rin aniya ang lagay ng panahon, kaya’t posible na hindi talaga nakita ng oil tanker ang bangkang sinasakyan ng mga Pilipino.

Kaugnay nito, nilinaw rin ng opisyal na hindi sa Bajo de Masinloc naganap ang insidente, kung hindi sa karagatang malapit sa Pangasinan, at hindi China ang involved sa insidente.

“Ito ay isang aksidente, walang kinalaman sa Tsina; hindi ito nangyari sa Bajo de Masinloc; hindi ito iyong mga naglalabasang ispekulasyon nga kahapon ‘no na baka daw Chinese maritime militia or Chinese Coast Guard ang deliberately na nag-ram ng bangka ng ating mga kababayang mangingisda.” —Tarriela. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us