Mas maigting na aksyon ng mga paaralan vs. hazing, ipinanawagan ni Senador Sherwin Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinalampag ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga paaralan na paigtingin ang mga hakbang kontra hazing.

Ginawa ng Senate Committee on Basic Education Chairperson ang pahayag kasabay ng pakikiramay sa pagkasawi ng 25-year-old na criminology student na si Ahldryn Bravente, na sinasabing namatay dahil sa hazing.

Giit ng senador, may legal na responsibilidad ang mga eskwelahan na maglatag ng preventive measure kontra hazing.

Binigyang diin ni Gatchalian, na sa ilalim ng Anti Hazing Law ay mandato ng mga paaralan na maglunsad ng mga information campaign sa simula ng semestre o trimestre para sa mga mag-aaral, mga magulang, at guardian tungkol sa mga pinsalang dulot ng hazing.

 Dinagdag rin ng mambababatas, na ipinagbabawal ng batas ang lahat ng uri ng hazing sa mga fraternity, sorority, at organisasyon sa mga paaralan kabilang ang citizens’ military training at citizens’ army training. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us