Mas maraming senior citizens, magbebenepisyo sa panukalang palawakin ang Centenarian Act — mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinagalak ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na malapit nang maging ganap na batas ang isinusulong niyang panukala na magbibigay ng cash gift para sa mga senior citizen na aabot sa edad na 80, 90 at 100 years old.

Ito ay matapos maaprubahan sa huling pagbasa ng Mataas na Kapulungan ang Senate Bill 2028 o ang tinagurian na ngayong ‘Revilla Bill’.

Ang senador kasi ang siyang principal author at co-sponsor ng panukalang layong amyendahan ang Centenarian Act (RA 10868).

Sa ilalim ng panukala, ang mga senior citizen ay pagkakalooban ng ₱10,000 sa pagsapit nila ng 80 years old; ₱20,000 naman pagdating ng 90 years old; at ₱100,000 pa rin pagsapit sa edad na 100.

Ayon kay Revilla, kapag tuluyan nang naisabatas ay hindi na kailangan pang hintayin na umabot ng 100 years old ang ating mga lolo at lola para makuha at ma-enjoy ang cash gift mula sa gobyerno.

Nakapagpasa na ang Kamara ng counterpart bill at bubuuin na ang bicameral conference committee para pag-isahin ang bersyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Umaasa ang senador na maisasabatas ito sa susunod na taon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us