Inisyuhan na ng Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari ng motorsiklong inireklamo ng public disturbance sa Pasig City.
Sa naturang kautusan na pirmado ni LTO-National Capital Region Regional Director Roque Verzosa III, pinagpapaliwanag ng registered owner ng motor kung bakit hindi ito dapat na managot sa patong-patong na traffic violations kabilang ang unauthorized installation ng accessories at improper person to operate a motor vehicle.
Pinahaharap din ito sa LTO-NCR Office sa October 16 para magpaliwanag.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, na-trace ang may-ari ng motorsiklo sa bayan ng San Mateo, Rizal.
Binalaan naman ng LTO ang may-ari ng motor na kapag nabigong sumunod sa SCO ay ituturing na itong pag-waive ng karapatan na mailahad ang panig at magdedesisyon ang ahensya batay sa mga naiprisintang ebidensya.
“Nagpapatunay lamang ito na mabilis ang aksyon ng inyong LTO sa mga reklamo na ipinapa-abot ng ating mga kababayan hindi lang sa isyu ng road rage kung hindi na rin mga kaso ng pag-aabuso sa kalsada gaya ng insidenteng ito.”
Kasunod nito, muling hinikayat ng LTO ang publiko na i-report sa kanila ang anumang mga
paglabag na may kinalaman sa road safety at public disturbance. | ulat ni Merry Ann Bastasa