Mayor Zamora, hinimok ang mga hindi pa nakakaboto para sa BSK Elections na bumoto na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni San Juan Mayor Francis Zamora ang publiko na i-exercise ang kanilang right to vote at bumoto bago ang nakatakdang deadline na alas-3!ng hapon.

Ayon sa alkalde, mahalagang  bumoto at iboto ng tama ang mga magiging opisyal ng mga baranggay, upang tunay na mapakinabangan ng mga residente ang programa ng pamahalaang lungsod.

Paalala nito sa mga magiging katuwang ng city government sa paglilingkod sa mga residente ang mga opisyal ng baranggay, kaya’t dapat na ang mga ihahalal na opisyal ay tiyak na magagampanan ang kanilang tungkulin na may katapatan at integridad.

Hanggang alas-3 lang ng hapon ang itinakdang pagboto para sa BSK Elections. | ulat ni Kathleen Forbes 

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us