Mega Job Fair, isasagawa sa San Juan City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan ng mega job fair para sa mga San Juaneño.

Ito ay isasagawa bukas, October 11 ng alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa Lifestyle Annex, Greenhills Mall, San Juan City.

Mahigit 60 na mga kompanya mula sa Greenhills Mall at ilang partner agencies ang inaasahang lalahok sa aktibidad.

Kabilang sa mga establisyento na sasali ang mga restaurant, retail store, employment agencies, jewelry stores, banks, health and beauty clinics at iba pa.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, magiging prayoridad sa mega job fair ang mga taga-San Juan na layong makapagbigay ng oportunidad makapagtrabaho sa mga kumpanya at negosyo sa lungsod.

Magiging tampok din sa mega job fair ang one-stop shop kung saan libreng makakapag-avail ng serbisyo ng DOLE, SSS, BIR, PhilHealth, at PAGIBIG ang mga job seeker.

Pinapayuhan naman ang mga interesadong aplikante na magdala ng maraming kopya ng resume, valid ID, at ballpen at ihanda ang sarili dahil maaaring ma-hire on the spot.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us