Walang naiulat na malawakang pagkaantala sa serbisyo ng kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) sa pagtatapos ng botohan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 ngayong araw.
Ayon kay Meralco Spokesperson at Vice President for Corporate Communications Joe Zaldarriaga, mabilis na naresolba ang mga naiulat na isolated and minor incidents sa tulong ng kanilang mga crew na nakabantay sa iba’t ibang bahagi ng kanilang franchise area.
Tiniyak naman ng Meralco na mananatili itong naka-alerto at handang rumesponde sa anumang posibleng problema sa serbisyo ng kuryente.
Nagpapasalamat din ang Meralco sa kanilang mga tauhan sa tuluy-tuloy na pagbabantay sa mga lugar ng botohan, at pati na rin sa mga lokal na pamahalaan sa kanilang tulong ngayong eleksyon.| ulat ni Diane Lear