Mga aktibong kaso ng ASF sa bansa, pababa na — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na pababa na ang mga aktibong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa, bumaba na sa 98 barangay mula sa 19 na probinsya ang may aktibong kaso sa ngayon ng ASF.

Hindi na rin aniya tulad ng dati na nag-peak ang mga kaso ng ASF dahil marami na aniyang lugar ang nalilipat sa pink (buffer) at yellow zones mula sa red o infected zones.

Kasunod nito, tiniyak ng DA na patuloy ang mga hakbangin nito kontra ASF kabilang ang pagkontrol sa mga infected area, biosecurity measures, pagpapaigting ng information campaign, at repopulation.

Samantala, nakatutok na rin ang DA sa sitwasyon sa Oriental Mindoro na may kaso na rin ng ASF.

Ayon kay De Mesa, bagamat hindi maituturing na major producing area ng karneng baboy ang lalawigan, kailangan pa ring tingnan ang pangangailangan ng isla ng sapat na suplay ng baboy. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us