Positibo ang tugon ng mga bansa sa European Union (EU) kaugnay ng ginagawang panghihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanila para mag- invest sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Trade and Industry Philippines (DTI) Undersecretary Ceferino Rodolfo, nang nagdeklara ang Pangulo na open for business na ang bansa ay pumasok na ang EU sa pamumuhunan.
Batid naman ng marami, sabi ni Rodolfo na hindi gayung naging kapulido ang naging relasyon sa pagitan ng EU at ng Pilipinas sa nakaraan dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Pero iba na aniya ang sitwasyon ayon sa DTI official lalo’t nakita ng EU ang policy reforms ng administrasyon.
Isa ang Germany sa EU na naiulat na naglagak ng malaking foreign investment sa bansa na may kinalaman sa renewable energy projects. | ulat ni Alvin Baltazar