Mga baybaying kontaminado ng red tide, nadagdagan — BFAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumawak pa ang mga sakop na karagatang apektado ng red tide toxin.

Batay sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), apektado na rin ng paralytic shellfish poison ang Lianga Bay sa Surigao del Sur at ang coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.

Una nang inalerto ng BFAR ang publiko na positibo sa red tide ang Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz, Mambuquiao, Camanci, Batan sa Aklan); karagatan ng Pilar; President Roxas; Roxas City sa Capiz; coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo; karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.

Dahil dito, pinag-iingat ang publiko sa pagkain ng shellfish na nakukuha sa mga naturang katubigan, dahil mapanganib ito sa kalusugan.

Paalala ng BFAR, ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon, at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us